Gangster 3

563 Words
Liara's POV "Anong klaseng tanong yan?" Malamig kong tanong. "The way you act. You act like a gangster." Sagot niya. Nginisian ko lang siya. "You are stupid." I said. Nagulat naman siya. "What?" Gulat na tanong niya. "Psh." Di ko nalang ulit siya pinansin. "Ara." Ano ba? Ang kulit ng lahi ng Lalaking to ah?? Tinignan ko siya ng sobrang lamig. Napadako ang tingin ko sa ID niya. 'Ian Xandrei Kim' Napakahaba ng Xandrei kaya Ian nalang. "Babae ka ba?" Tanong niya ng nakangisi. Nang-iinsulto ba to? Nginisian ko lang din siya. "Ikaw? Tao ka ba?" Sasagot palang sana siya pero nagsalita na yung teacher. "Mr. Kim and Ms. Arceo! Hindi na kami makapagklase dahil sa sagutan niyo! Get out of the room! Now!" Tinignan ko ng malamig si Ian bago tumayo. Nung mapadaan ako sa tapat ng apat na babaeng classmates ko ay nagbulungan sila. "She's pretty no? Kinakaya kaya niya lang ang Prince Ian natin." "She's pretty yet creepy. Ano kayang reaction ni Queen Ryca dito?" Ryca? Sino yun? Tinignan ko sila ng masama. Nagulat naman sila. "Psh." Yan nalang ang huling nasabi ko bago tuluyang makalabas ng room. So anong gagawin ko ngayon? Mag cutting class nalang kaya ako? First day na first day mag cucutting ako? Eh ano namang bago? "HOY!" May narinig akong sumisigaw sa likod ko, Pero hindi ko tinignan. Why bother? Hoy is not my name. "Hoy!!" Snob lang Liara. "Ara!" Okay. Ako daw eh. "Ano?" Bored look. Yan ang makikita mo sakin ngayon. "Hindi mo ba talaga ako natatandaan?" Tanong niya. "I do." Bigla naman siyang napangisi. "You're Ian Xandrei Kim. A Jerk, Freak and an Idiot." Sabi ko sabay ngisi sa kanya. Nawala naman ang ngisi sa mga labi niya niya. Tinapunan niya ako ng dagger looks pero di ko pinansin at tinalikuran ko lang siya. So what now? Dalaw kaya muna ako sa T-quar? Psh. Di pwede. Namimiss ko na rin naman ang pagiging blinder princess ko. Bakit nga ba blinder princess ang tawag sakin? Well kasi, Pag nakikipaglaban ako. Para lang kitang binubulag. Di mo ako makikita. Pero hindi ako nagmamagic. Mabilis lang talaga akong gumalaw. Isang gangster lang ang nakakatapat sakin. Si Zero. Kaya zero tawag sa kanya dahil pag kalaban mo siya, Zero percent ang pag-asa mong manalo. Psh. But not me. *smirk* Bakit nga ba ako napasali sa Gang Ass.? Dahil sa Isang kaibigan. Nung mga bata palang kami, May kalaro ako. Sobrang malapit talaga kaming dalawa. He is Dale. Bestfriend ko siya, Pero pinatay siya sa harap ko. Oo, We are just 7 years old that time. We were playing on the swing when some men wearing pure black shirts approached us. Kinuha nila si Dale. Umiyak iyak ako habang hinahabol yung mga lalaking yun. Same with Dale. Umiiyak siya habang lumalaban. At nagpupumiglas. Sa pagpupumiglas ni Dale ay nahulog siya. Agad siyang tumayo at hinigit ako, Sabay kaming tumatakbo nun. Nung bigla nalang siyang binaril. Aish. Ayoko ng flashbacks lalo na kung tungkol kay Dale. Nanghihina ako, Lumalambot. Pinunasan ko ang mga luhang kumawala sa mata ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nakatungo akong naglalakad nung may biglang humawak sa kamay ko. Handa ko na sanang bugbugin ang taong to pero nagsalita siya kaya napatigil ako. "Blinder Princess." Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kilala niya ako? May nakakakilala sakin? Nilingon ko ang babaeng nagsalita. "Lady Mystery." Bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD