Chapter 8 Casey’s POV NAIWAN kami ni Dale sa kuwarto nang umalis si Travis. Parehas kaming natahimik sa nangyari. “Okay ka lang ba?” tanong ko sa lalaki. “Yeah. What’s his problem? May kasalanan din ba ako sa kanya?” takang tanong ni Dale. “Ah-Ahm, kasi akala niya 'di ba na nasagasaan mo ako? Kaya ayon, galit na galit siya. P-Pasensiya ka na,” palusot ko rito. “Gano'n ba? Parehas kayong brutal manakit.” Napangiwi siya sa sugat sa labi niya. “S-Sorry.” Ayaw ko na sanang mag-sorry pa sa kanya pero kailangan para kuhanin ang loob niya. Kinuha ko ang aking bag at naghanap ng panyo roon. “Here,” abot ko kay Dale. Hindi ako concern sa lalaki kundi naawa lang. “Thanks.” “Ahm, kailangan ko na siyang sundan kaya maiwan na kita rito. Pasensiya na ulit sa inasta ni Travis but honestly, m

