Chapter 7 Travis' POV PAGULONG-GULONG ako sa kama ko at hindi ako mapakali kanina pa. Wala pa atang twenty minutes mula no'ng umalis si Casey pero heto at miss na miss ko na siya. Agad-agad. "Hay, ano ba, Travis? Ganito ka na lang ba hanggang hapon? Walang ibang gagawin kundi isipin nang isipin ang bestfriend mo? Relax ka lang naman. Magtatrabaho lang naman siya!" sabi ko sa sarili ko. Nababaliw na kasi ako kung ano na ang ginagawa ni Casey ngayon. Gusto ko siyang puntahan sa trabaho niya. Hindi dahil sa nag-aalala ako kundi gusto ko lang siya makita ulit. "Hindi man lang kasi tumawag, eh. Alam namang may naghihintay dito. Kumusta na kaya ang babaeng 'yon?" Napabuntong-hininga na lang ako. Napatingin ako sa side table ko. Nandoon nakapatong ang picture naming dalawa. Naalala ko p

