Casey's POV Nagmadali kaming sumakay ni Travis sa taxi pagkatapos niyang sabihin sa akin ang tungkol sa pag alis nila Jacel at Dale ngayon papuntang America. "I'm sorry talaga kung...kung hindi ko agad sinabi, sorry Casey." Patuloy na paghingi ng paumanhin sa akin ni Travis. "Okay lang, Travis. Ang mahalaga sinabi mo, salamat." Hinawakan ko ang kamay niya at tsaka ako ngumiti. Alam ko kung gaano kahirap sa kanya para gawin 'yun pero ginawa pa din niya. Humahanga ako sa kanya. "Hindi mo kailangang magpasalamat sa akin, ginawa ko lang ang alam kong dapat kong gawin." Niyakap ko siya ng mahigpit. "Salamat, Travis. Alam mo naman na mahal na mahal kita di ba?" Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. "Oo naman, at mahal na mahal din kita." "Alam ko, kaya nga nagpagpapasalamat ako sa iyo,

