Travis' POV Naglakad akong muli pag uwi ko, hindi ko maalis ang isipan ko kay Jacel. Sana katulad ko ay maging okay din siya, sila. Nilagay ko ang mga kamay ko sa magkabila kong bulsa at tsaka ako nagpatuloy sa aking paglalakad. Kanina ko pa din iniisip kung sasabihin ko ba sa kanya na ngayon ang alis ni Dale o dapat bang hindi na lang? Napabuntong hininga ako, ano nga ba ang makakabuti para sa lahat? Ano nga ba ang dapat kong gawin? Nagpaikot-ikot ako sa labas ng bahay nila Casey. "Oh, Travis? Anong ginagawa mo dyan?" Tanong sa akin ni Casey. "Makikikain sana ako ng almusal eh, pwede ba?" Napakamot pa ko sa ulo ko, sabay ngiti sa kanya. Sa tingin ko, magiging okay din siya. Hindi man bumalik 'yung dati at least kahit konti, kahit paunti-unti makita ko ulit siyang masaya. "Nako, lag

