Jacel's POV "Mali ba ang umaasa?" tanong ko kay Travis na nagpatigil din sa paglalakad niya. "M-mali bang umaasa akong mamahalin din niya ko?" pinilit kong iayos ang pagsasalita ko pero hindi ko mapigilan. Napatulo na din ang mga luha ko. "Hindi naman mali ang umaasa ka, ang mali ay magpakatanga ka pa rin sa isang bagay na kitang kita mo na kung ano ang kahihinatnan." humarap siya sa akin. "Tanggapin mo na may mga bagay na hindi para sa iyo." "Bakit? Hindi ka ba umaasa?" tanong ko sa kanya. "Umaasa ako, umaasa ako na magiging okay siya pero hindi na ko umaasang mamahalin niya ko katulad ng pagmamahal ko para sa kanya dahil tinanggap ko na, na hanggang dito na lang ako, na hanggang kaibigan na lang talaga ang role ko sa buhay niya." hindi ko alam kung bakit pero sunod sunod na tumulo an

