Dale's POV Maaga akong gumising para mag impake ng mga gamit ko, actually hindi na ko gumising dahil gising na pala talaga ko. Hindi ako nakatulog sa kakaisip sa mga nangyari. Parang ang bilis ng lahat, parang hindi totoo. Napatigil ako sa pag aayos ko ng may kumatok sa pin to, "Come in." pagkasabi ko nun ay nagbukas ang pinto at iniluwa nun si Mama. "Are you sure about this, ihjo?" bungad sa akin ni Mama na halata ang pagtataka niya. Tumango lang ako bilang sagot. "Bakit biglaan naman ata ang pag aaya mong bumalik sa America? Pwede namang sumunod ka na lang sa akin." "Ma, sinabi ko na po sa inyo na sasama na ko ngayon, bakit pa natin papatagalin kung pwede na ko ngayon bumalik doon?" dahilan ko tsaka ko ipinagpatuloy muli ang pag iimpake. "May kailangan ba akong malaman?" napatingin

