Travis POV Sumakay kami sa taxi ng makarating kami sa may kanto. Tahimik lang kaming dalawa, wala sa amin ang may gustong magsalita. Tumingin ako sa kanya, nakatingin lang siya sa may bintana. Naaawa ako sa kanya, hindi dapat ganito ang nagyayari. Hindi dapat ganito. Maya maya ay naramdaman ko na lang ang paghilig niya sa balikat ko. "Hindi mo naman ako iiwan di ba?" tanong niya. "Kailan ba kita iniwan?" balik kong tanong. "Syempre hindi kita iiwan kahit kailan, pangako ko 'yan Casey." "Salamat." maikling sagot niya. "Hindi mo kailangang magpasalamat sa akin. Simula pa lang nung una tayong nagkita nung mga bata pa tayo sinabi ko na sa iyo na ako ang magiging tagapagtanggol mo, and a knight in shining armor never leaves his princess." Hindi siya sumagot pero kumapit lang siya sa braso

