Dale's POV Nangyari na din sa akin ito dati, naaalala ko na 'yung gabing nagpakalasing ako ng todo dahil sa nasaktan nung inamin niya sa akin ni Casey sa Acquaintance Party na sila ni Travis. “MahaI mo ba ko?” pagkatapos naming magsayaw ay hinila ko siya palayo sa maraming tao. “Hindi ah.” sabi niya sa akin, nakaramdam ako ng munting kirot nun ang sa puso ko pero hindi ko 'yun pinansin, ayokong maniwala sa kanya dahil naramdaman ko na gusto niya din ako sa mga araw na nagkasama kami. Muli ko siyang tinanong kahit na natatakot akong mareject. “Yung totoo, promise isang tanong na lang hindi na kita guguluhin. Mahal mo ba ko?” “H-hindi nga. May boyfriend na ko, Si...si Travis!” at yun, yun ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Yung malaman mong hindi ka pala mahal ng taong mahal m

