Dale's POV Hindi ko alam kung saan ako pupunta, patuloy ako sa pagdadrive pero sa sandaling 'yon gusto ko lang makaalis sa lugar na 'yon. Gusto kong lumayo. Gusto kong tumakas. Gusto kong makapag isip. Gusto kong mawala na lang bigla. Gusto kong mawala 'yung sakit na nararamdaman ko, pero hindi ko alam kung papaano at hindi ko alam kung maaalis pa nga ba ang sakit na ito na nasa puso ko. Bakit kailangang humantong pa sa ganito ang lahat? Yung akala mo maayos na, yung akala mo masaya na biglang hindi naman pala. Hindi pala totoo ang lahat. Napahawak ako sa ulo ko dahil sumakit 'yun bigla, madalas 'yun sumakit ng ganoon nitong mga nakaraang araw kasabay nun ang unti-unting pagbabalik ng mga ala-ala ko noon. "Pre. inlove ka ba kay Miss Tabachingching? Lage kayo magkasama ah. Wag mo sabih

