Travis POV Nakakainis! Pinaghirapan ko pa namang kunin itong roses na ito sa flower garden ni Mami kahit na alam kong babalatan ako ng buhay non sa pamamakialam ng mga mahal niyang bulaklak. Si Jacel ang nagsabi sa akin na bigyan ko daw ng bulaklak si Casey bilang peace offering dito. 'Yung roses daw para mas sweet pero naunahan lang ako ng Dale na iyon! Ang masakit pa nito 3 lang 'yung akin, 'yung sa kanya isang bouquet! Geez! Kainis! Nagmadali akong umakyat sa kwarto ko at humiga sa kama ko, talagang mainit ang ulo ko sa pagkabigo. Maya-maya ay may tumawag sa akin, si Jacel. "Hello? Hmm, how was it? Nabigay mo na ba 'yung roses mo?" tanong niya. "Oo." sagot ko, halatang inis. "Oh? What happened? Parang hindi ata maganda ang resulta ah? Hindi ba niya tinanggap?" tanong ulit nito. "

