Jacel's POV Kakagaling ko lang sa may park kanina kung saan kami nagkita ni Travis noong bumalik ako galing States. Medyo malapit lang din kasi iyon sa binili kong bahay sa subdivision. Pabalik na sana ako sa bahay ko nang makita ko si Dale, at 'yung babaeng buhat-buhat niya. Nakita ko din si Travis. Narinig ko ang lahat ng pinag-usapan nila at kung hindi ako nagkakamali 'Casey' ang narinig kong itinawag ni Travis doon sa babae. Posible nga kayang si Casey iyon? Siya na nga ba 'yon? Hindi ko kasi masyado nakita ang mukha niya dahil nakatalikod sila sa akin. May pakiramdam akong siya na nga iyon. She changed a lot. Sa tingin ko ay mas maganda na siya sa'kin ngayon... Pero bakit sila magkasama ni Dale? At kailan pa sila ulit nagkitang tatlo? Travis POV Nanggigil akong isipin na napaham

