Madaling araw na pero hindi pa rin dalawin ng antok si Casey. Pasado alas-dose na rin nung iuwi siya ni Dale mula sa date nilang puro kalandian lang. Pabaling-baling siya sa kama niya, hindi pa rin kasi siya makapaniwala na umamin na agad sa kanya si Dale na gusto siya nito. Hindi naman sa kinikilig siya, masaya lang talaga siya dahil umaayon sa kanya ang mga nangyayari. Ngayong alam na niyang gusto siya nito madali na para sa kanya ang paibigin at papaniwalain na gusto niya din ito. "Iba na talaga ang ganda mo ngayon, Casey!" puri niya sa sarili habang nakangiti pero maya-maya lang ay nawala na ang ngiting iyon. "Dahil ba sa maganda at sexy na ako ngayon, kaya niya ako nagustuhan?" tanong niya sa kanyang sarili. "Ang babaw niya kung ganun." sa isiping iyon ay nalungkot siya. Kung dat

