Casey’s POV Kanina pa nakaalis si Travis pero nanatili lang na nakaupo si Casey sa kama niya, patuloy pa rin niyang iniisip ang nangyari. “Akala ko...akala ko nalaman na niya ang plano ko. Akala ko ako na naman ang talo. Bakit kasi 'yun pa ang napanaginipan ko? Anong nangyari naman sa'kin? Kakainis.” isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. “Sa halip na maawa ako sa sarili ko, mas naaawa ako kay Travis. Sabi niya mas nasasaktan siya pag nakikita niya akong umiiyak. Promise ko, hinding-hindi na ko ulit maiinlove kay Dale. Una, para sa'kin at pangalawa, para kay Travis. One thing is sure, he’ll pay for the damages he’d done to me. And then...The End.” kausap ni Casey ang sarili niya habang nakaharap sa salamin suot ang dress na bigay ni Dale, mag-aalasais na kasi at iyon ang

