Casey’s POV Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari ngayon. Parang ang bilis lang ng pangyayari, parang kanina lang nasa bahay pa ko tapos ngayon nandito na ako sa lugar kung saan kami lang ni Dale. Kami lang dalawa. Hindi ko din maipaliwanag kung gaano kaganda ang lugar na ito. Napakaganda, puro candles lang ang nagsisilbing ilaw namin, tapos may tumutugtog na romantic songs. Habang kumakain kami. Nakatulala pa rin akong pinagmamasdan ang buong lugar na ito, kahit na kanina ko pa ito tinitingnan hindi pa rin ako nagsasawa. Napakaganda dito parang paraiso. Parang isang panaginip na akala ko hindi na mangyayari pa sa akin. Pero heto’t totoo ito, nandito ako ngayon kasama ko siya, kasama ko ang pinakagwapong lalaking nakilala ko. Maya-maya lumapit siya sa'kin at inaya niya akong sumaya

