Masaya ako na sa wakas ay nagkaayos na kami ni Travis, kahapon ay namasyal kami sa park dahil masyado naming namiss ang isa't isa. Masayang masaya ko pero hindi pa mabuo ang kasiyahan ko dahil hanggang ngayon hindi pa rin nagpaparamdam si Dale, nag aalala na ko. Tinatawagan ko siya, tinetext pero hindi siya sumasagot. Tapos ngayon lang hindi ko na siya macontact hindi ko na alam ang gagawin ko. Nag aalala na ko na baka may nangyaring hindi maganda, nag aalala akong baka hindi na siya bumalik sa akin... Nag aalala akong baka hindi na niya ko mahal. Kaya naisip kong pumunta na lang sa kanila ngayon, hapon na ko pupunta para naman sakaling nandoon lang siya sa bahay nila. Agad akong sumakay ng taxi at sinabi sa driver ang subdivision na pupuntahan namin. Malayo pa kami ay kinakabahan na

