Nakalipas ang isang linggo, parang isang buwan na yun para sa akin. Tatlong araw lang ang hiningi ko kay Dale pero hanggang ngayon hindi pa din siya nagpaparamdam sa akin. Hindi ko alam kung bakit at natatakot akong malaman kung anong dahilan. Natatakot akong baka narealize niyang mahal pa pala niya si Jacel. Napayuko ako sa isiping yun, parang hindi ko naman ata kayang mangyari yun, sa sitwasyon ngayon. Pero naisip ko siguro nga mas kailangan namin ng mas mahabang panahon para mas makapag isip kaming mabuti. Mas malaman namin kung ano nga ba ang nararapat para sa amin. Isang linggo din akong hindi lumalabas ng bahay, lagi lang akong nasa kwarto ko, nakatanaw sa may bintana. Nakatanaw sa bintana ng kwarto ni Travis. Umaasa ako na isang araw makita ko sa kabilang bahay si Travis, naka

