Chapter 13 Casey’s POV TWO days had passed. Dalawang araw na rin akong maaga kung magising. Ewan ko ba. Masyado ata akong excited at hinihintay ko ang tawag sa akin ni Dale. Ine-expect ko kasi na maaga niya akong papagayakin para sa lakad namin. Kahapon hindi man lang siya tumawag kung hindi kami matutuloy. Nakakainis lang. Hello! May naghihintay kaya rito. Napangiti ako nang marinig ang tunog ng cellphone ko. Malamang-lamang ay si Dale na ang tumatawag na 'yon. Sabi ko na’t maaga siyang tatawag sa akin, eh. Kinuha ko agad si cellphone at sinagot ang tawag nang hindi binabasa kung sino ang caller. “Hello?” Nilambingan ko pa ang boses ko. Ang kire ko lang! “Good morning. Bakit ang landi ng boses mo?” “T-Travis?” gulat kong saad. “Ikaw lang pala 'yan. Hay!” Nakakapanglumo. Ang akal

