Chapter 12 Jacel’s POV NAKAUPO lang ako rito sa may bench. Habang hinihintay ko si Travis ay nakikinig lang ako ng music sa phone ko. Hindi na siya mukhang totoy kagaya noong College kami, he became more handsome now and matured… I guess. “Jacel!” Narinig kong may tumawag sa akin. Mahina lang naman kasi ang volume ng music ko kaya napalingon ako sa direksyon no’n at nakita ko si Travis na may dalang dalawang ice cream. “For you. Para sa paghihintay mo sa akin.” “Thanks!” Napangiti ako. Hindi pa rin siya nagbabago. Vanilla ice cream pa rin ang gusto niya. “So? Magkuwento ka naman. Ano nang nangyari after five years? Hindi na kasi tayo nagkita mula noon. Wala na akong balita sa inyo. Maliban sa... nasa states na raw kayo no’n,” ani Travis. “Many things happened mula nang lumipat k

