Travis’ POV Tawa kami ng tawa ni Jacel habang naglalakad, pinag uusapan namin yung dating ginagawa namin sa school pati na din yung mga jokes na lagi kong sinasabi sa kanya. Natatawa pa din siya kahit na korni naman ang mga iyon. Masaya ko dahil napangiti ko na siya ulit, alam ko kung anong nararamdaman niya dahil yung sakit na yun, yun din ang sakit na nararamdaman ko ngayon. “Ooh, napatigil ka? Thinking of a joke again? Nako, hindi na uubra sa akin yan, luma na yung mga joke mo e. Eto sa akin, ano ang tawag sa isdang namamaril??? “ excited niyang tanong. “Edi…. BANG-us…” sagot niya, tawa siya ng tawa, ako naman, muntik na kong matisod dahil sa joke niya. “H-hindi ba nakakatawa??” tanong niya. “Ano pa nga ba sa akala mo? Ang korni ng joke mo e…” binatukan niya ko. “Araaaay naman! Ka

