Casey's POV Nakita kong napadako ang tingin ni Travis sa kamay ko na hawak ni Dale kaya naman napabitaw ako. Hindi na lang pinansin ni Dale yun at pinagtulak ako ng upuan bago siya umupo katapat ni Jacel, at ako katapat ni Travis. “So kayo na bang dalawa??” tanong bigla ni Jacel na ikinagulat ko. “Ahmm oo, kakasagot niya lang sa akin kagabi.” Pagsagot ni Dale. Tumango tango lang ito. “Ikaw, why didn’t you tell me you’re back?” tanong naman nito. “Well, Ayoko na kitang abalahin, I know you’re so busy…” sagot ni Jacel sabay tingin sa akin. Kaya napayuko lang ako. Alam kong ako ang tinutukoy niya sa sinabi niyang busy si Dale. “Bakit ba ang tahimik niyong dalawa?” tanong naman nito sa amin ni Travis. Napalunok ako, bakit kailangang dumating yung ganitong sitwasyon na magkakasama kaming a

