"Kamusta? Kailan ka pa nakabalik?" masayang tanong niya na hindi pa din ako binibitawan at ako naman si kire. Tuwang tuwa din. Masisisi mo ba ko? "Actually, one week na ako dito. Ikaw, kamusta?" tanong ko naman, kumalas siya sa yakap namin at hinawakan ang kamay ko tsaka ko hinatak papunta sa may playground at umupo kami sa may bench doon. "Masaya naman, hindi ba't sikat ka na? Bakit ka nagpagala gala pa dito?" tanong niya sabay kuha ng shades sa kamay ko at isinuot 'yun sa akin. Concern to the max. Check. Sa lapit ng mukha niya sa akin, feeling ko namumula ng todo ang mga pisngi ko. "Hindi naman noh. Okay lang, ang sarap kasing bumalik sa lugar na ito." napayuko ako dahil titig na titig siya sa akin, nag aalala akong baka matunaw ako. Gaad! Ano ba itong sinasabi ko? Ako si Jacel Pattie

