Jacel's POV "Kumusta? Kailan ka pa nakabalik?" masayang tanong niya na hindi pa rin ako binibitiwan at ako naman si kire. Tuwang-tuwa rin. Masisisi mo ba ako? "Actually, one week na ako rito. Ikaw, kumusta?" tanong ko naman, kumalas siya sa yakap namin at hinawakan ang kamay ko saka ako hinatak papunta sa may playground at umupo kami sa may bench doon. "Masaya naman, hindi ba't sikat ka na? Bakit ka nagpagala-gala pa rito?" tanong niya sabay kuha ng shades sa kamay ko at isinuot 'yon sa akin. Concern to the max. Check. Sa lapit ng mukha niya sa akin, feeling ko namumula ng todo ang mga pisngi ko. "Hindi naman, 'no. Okay lang, ang sarap kasing bumalik sa lugar na ito." Napayuko ako dahil titig na titig siya sa akin, nag-aalala akong baka matunaw ako. Gaad! Ano ba itong sinasabi ko? Ako

