Travis’ POV Kakagaling ko lang sa ospital, nandito ako ngayon sa may swing malapit sa amin. Kasama ko si Daisy na naghatid sa akin sa ospital hanggang pag uwi. Almost 2 hours din akong nagpahinga sa ospital dahil tiningnan pa ng doctor ang allergy ko, nasobrahan daw ako kaya matagal bago mawala pero agad naman akong napainum ng gamot, buti na lang daw at naihatid ako agad doon. “How did you know??” tanong ko sa kanya. Habang parehas kaming nasa swing. “I know you, you just don’t know me…” sagot niya. “Schoolmates tayo… Hindi mo na naaalala?” napatingin ako sa kanya, may kinuha siya sa bag niya. Eyeglasses… at tsaka niya sinuot at humarap sa akin. “You? Si…si…” “Hoy, Didi! Sagutan mo naman yung assignments namin, tutal yan naman ang gusto mong gawin ang mag aral ng mag aral…” sabi ng

