Casey’s POV Alam kong mahal niya ko pero hindi ko na inexpect pa na hindi bilang bestfriend ang tinutukoy niyang pagmamahal. Hindi ko alam na ganun na pala… Nanatili lang akong nakatayo, pinanuod ko lang siyang lumayo sa akin. Hindi ko nagawang habulin siya dahil wala akong lakas para gawin yun. Parang dinudurog ang puso ko bawat hakbang niya palayo, bakit ang sakit? Bakit parang hindi ko kaya? Bakit, Travis?? “H-hindi ko na rin kaya… Ubos na ubos na ko, Casey… Naibigay ko na lahat sa iyo, lahat lahat ng kaya kong ibigay, pero kahit konting pride na lang, itira mo naman sa akin. L-lumayo ka na…” “Minsan, kailangan nating bumitaw sa mga bagay na matagal nating pinanghahawakan, oo masasaktan ka, malulungkot ng pandalian pero isipin mo mas okay na yun kaysa habang buhay ka na lang maging

