Natigilan ako nang mabasa ko iyon. Wala namang nakalagay kung sino iyon. Bigla na lang akong kinabahan pero ginawa ko ang lahat para hindi ‘yon mapansin nila Aila. Ayoko naman na maging pabigat na naman at ako na naman ang iisipin pa nila. “Anong oras ba ‘yung punta mo sa Hospital?” tanong sa akin ni Aila. Agad kong binaba ang phone ko at isinukbit iyon sa bulsa. Hindi naman siya nagpakilala at ayoko namang pumunta. Mamaya ay mapahamak na naman ako dahil dito, mahirap na. “Maya maya kaunti. Masasamahan niyo ba ako?” tanong ko pabalik sa kanila. Sa totoo lang niyaya ko sila manood ng movie pagkatapos ng klase. Kaso lang bigla naman akong hiningian ng Medical Certificate kaya kailangan kong pumunta at bumalik sa hospital kung saan ako na-confine. “Oo naman ‘no! Pinilit namin ma-free

