The message was kinda strange and I didn’t want to believe that. Mamaya at iyan pa ang ikapahamak ko. Kinakabahan ako at wala naman akong pinag bigyan ng number ko. Hindi rin naman siya nagpakilala so I decided to ignore him earlier. Napakunot ang noo ko at umiling na lang. Agad kong binalik sa bulsa ko ang phone ko at saka pumunta sa kabilang parking lot kung saan ako palaging sinusundo ni Mama. I was busy trying to be calm. Pero ewan ko ba, iba ang kutob ko dito. Hindi ko alam kung dapat bang hayaan ko na lang ‘to o kailangan kong pag tuunan ng pansin. Hindi ko alam kung si Kevin ito pero sana ‘wag naman niyang idaan sa mga ganito. Hindi nakakatawa at mas lalong ayoko sa ganitong klaseng trip. Habang abala ako sa pagbubukas ng bag ko para kunin iyong sweater ko, bigla akong nabangg

