Nabitawan ko ang hawak kong payong nang bigla na lang siyang naglalakad papunta sa akin. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang bigla na lang siyang natumba at nawalan ng malay. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Ang lakas ng ulan at halos wala na ring mga sasakyan. Hindi ako nagdalawang isip na puntahan siya. “K-kai!” sigaw ko habang inaalalayan siya. “Kai! Gumising ka nga diyan! Ang lakas ng ulan oh? Akala mo ba madadala mo ako sa ganito?” Ganoon lang ako magsalita pero sa totoo lang ay kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung paano ako kikilos at hihingi ng tulong. “Tulong!” sigaw ko habang naka tingin sa buong paligid Walang ka-tao tao at wala na ring mga sasakyan. “Uy! Gumising ka nga riyan! Kaii! Hindi nakakatuwa ha!” sigaw ko habang tinatapik siya. Basang basa na ako

