Sobrang nag enjoy ako sa bakasyon namin nila Migo. At siguro, isa na ‘yun sa pinakamasayang araw ko sa buong buhay ko. Parang panandaliang nawala ang lahat ng problema ko. Siyempre isa na doon si Enzo. Palagi naman siyang dahilan ng paggaan ng loob ko eh. Nang makabalik na kami sa Manila, pinaghahandaan na namin ang nalalapit na birthday ni Enzo. Siempre! Espesyal ang aral na ‘yun dahil mag tatatlong taong gulang na siya. Hindi pwedeng hindi engrande ang handaan dahil nakapangako na ang Lola niya at kahit ayaw namin ng madaming bisita, eh hindi naman pumayag sa gusto namin si Lola. Pinag bigyan na rin namin siya dahil gusto namin na sumaya siya. Gusto niya raw bumawi sa apo niya kaya wala na kaming nagawa ni Migo kundi sumang-ayon. “Mamaya pala, dadating ‘yung event coordinator sa bi

