Pakiramdam ko ay gumaan ang loob ko kahit paano. Akala ko talaga ay mahihirapan akong tanggapin ang sorry ni Kevin pero nang marinig ko lahat ng nangyari sa kaniya? Narealize ko na deserve naman namin mag move on. Alang alang na rin sa mga anak namin na wala namang naging kasalanan. Kaya kung may dapat akong siningilin hindi si Kevin ‘yun kundi ang mga magulang ko at lalong lalo na ang LOla ni Kaii. Pabalik na ako sa loob ng mansion para magbihis at ipasyal si Enzo sa dalampasigan. Sayang naman ang sikat ng araw kung hindi namin i-ennjoy ang buong bakasyon namin dito na magkakasama kami. Minsan lang mangyari ‘to kaya dapat sulitin na namin. “Oh, mukhang masaya ka ah? Kamusta ang naging usapan niyo ni Kevin?” tanong sa akin ni Migo nang bigla siyang pumasok sa loob ng kwarto namin. Nagl

