“Sige na, makaka alis na kayo diyan. Madami kaming nahuli dahil sa inyo kaya makakalaya na kayong dalawa.” Nagkatinginan kami ni Irine nang marinig namin ang sinabi ni Miko. Hindi ko alam kung sumusunod ba ‘tong lalaking ‘to sa rules nila Amber pero nagulat na lang ako na okay naman pala at makakalaya na kami. Tinulungan namin si Aila na magligpit para makapag usap ulit kami ng maayos ni Irine. Ganito pala ang pakiramdam ‘no? When you are free and have nothing to worry about. “Ah, Kelly…” tawag sa akin ni Aila kaya napalingon ako sa direksyon niya. “Hmm?” “Dadalhin pa namin ‘to pabalik sa office. Pwede bang maiwan ko muna kayo? Mukhang okay naman na kayo kaya pwede na siguro kayong iwan?” natatawang sabi niya habang isinasara ‘yung kahon na pinag lagyan niya ng mga gamit at panind

