Hindi ako sinagot ni Irine pero ngitian niya ako at saka binigay ang microphone sa akin. “Ano ba ‘to?” tanong ko sa kaniya pero ngumisi lang siya. “Guys! Nahihiya si Kelly. You should cheer her up!” pasigaw na sabi ni Irine para mas marinig nang maiigi ng mga taong nasa paligid namin. Nag-aalangan ako pero kinuha ko pa rin ang microphone. “A-anong kakantahin ko?” pagdadalawang isip kong tanong sa kaniya. Agad naman siyang tumaba ng tingin sa phone niya. Ilang segundo pa lang ang nakakalipas at biglang tumugtog ang isang pamilyar na kanta. “s**t! Gawa ko ‘yan ah? Paano mo nalaman ‘yan?” “Saan mo nakuha ‘yan?” Sunod sunod na tanong ko sa kaniya. Ako lang naman kasi ang gumawa noong kantang iyon. I was really losing myself when I composed that song. Hindi ko alam na may kopya si

