“I-Irine?” hindi makapaniwalang tanong ko. Akala ko ba ay lalaki ang nahuli nila? Bakit si Irine ang kasama ko dito sa selda? Hindi naman naman yata tama ‘to! Hindi tama na nasa loob kami ng selda na ‘to. Matapos ng mga ginawa sa akin ng babaeng ‘to? Hindi pwede ‘no! Ilang metro ang pagitan naming dalawa. At hindi siya pwedeng lumapit sa akin dahil sa oras na ginawa niya iyon, masususpinde siya. “Hoy! Miko! Ano ‘to? Torture?” pinandilatan ko siya ng mata nang ipasok niya dito sa loob ng selda si Irine. “Akala ko ba lalaki ang nahuli niyo? Isang demonyita naman pala ang ipapasok niyo dito!” pasigaw na bulyaw ko habang nakahawak sa rehas ng maliit na seldang gawa sa kahoy na pininturahan lang na kagaya din ng kulay sa mga prisinto. Hindi naman sila criminology pero bakit may pa jail

