“K-Kai?” Parang tumigil ang ikot ng mundo ko. ‘Yung kabog ng dibdib ko ay halos hindi ko na mahabol sa sobrang bilis ng t***k. Napalunok ako at parang nanghihina ang buong sistema ko. Panaginip ba ‘to? Nakakunot ang noo niya habang lumingon sa akin. Matapos niya akong pasadahan ng tingin ay agad niyang inilayo ang tingin sa akin bago umalis. Hindi ko alam kung ilusyon ko lang ba ‘to pero parang ang bagal ng pagkakaalis niya palayo sa akin. Sobrang gulo ng isip ko. Napalunok ako at nanlambot ang buong tuhod ko. Napaupo ako sa sahig. Unti-unting tumulo ang luha ko. Ang bigat ng dibdib ko at halos hindi na ako makahinga. Siya ba talaga ‘yun? O namamalikmata lang ako? Baka masyado ko lang siyang iniisip kaya nakita ko siya? Iniisip ko siya? Agad akong tumakbo s

