Hindi ko alam ang sasabihin. Totoo ba na siya ‘to? Hinarap niya ako at nakatayo lang kaming dalawa dito sa gate malapit sa guard house. Nanghihina ang buong sistema ko. Parang hindi ako makapaniwala na nagkaharap kami ulit matapos noong nangyari three years ago. Hindi ako makapag salita. Hindi ako makakilos at makaalis sa kinatatayuan ko. Tanging ilang sentemetro lang ang layo namin mula sa isa’t isa. Na-blanko na yata ang isip ko. Pati buong sistema ko ay tila hindi na gumagana. “I’ve missed you, Kelly.” Bumagsak ang balikat ko nang sabihin niya iyon. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang kamustahin. Gusto kong tanungin kung anong nangyari. Ang dami kong tanong pero mas nanaig ang bigat ng nararamdaman ko. Sinampal ko siya at kasabay no’n ang pagtulo ng luha kong kanina pa

