Sa totoo lang? Hindi ko alam kung paano ako uuwi na namamaga ang mga mata. Ang buong sistema ko’y parang biglang nahirapan sa paggalaw. Sobrang sakit at hirap ako na makaharap si Kaii. I know, I was really trying so hard to forget him but what else can I do? Hindi ko na kailangan ng paliwang niya, at mas lalong hindi ko na kailangan ang bawat salitang bibitawan niya dahil nangyari na ang dapat mangyari. “Kelly!” Napahinto ako sa paglalakad. Patuloy pa rin sa pag tulo ang mga luha ko. Patuloy pa ring sumasakit ang dibdib ko. Parang may kung anong nakadagan sa dibdib ko. Parang pinipiglan ang pagdaloy ng paghinga ko. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko. Alam kong umuulan at wala naman akong pakialam dahil kanina pa kami nababasa ng ulan. Ewan ko ba, akala ko sa palabas la

