Buong maghapon akong nakakulong sa kwarto at lalabas ang kapag kakain or maliligo. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko na-enjoy ang dalawang araw ko dito. “Nak! Magbihis ka na! Dumaan si Tito Marco mo kanina. Ang sabi niya, ipapasyal ka daw ni Kevin sa buong lugar. Pati do’n sa bakanteng lupain na pagtatayuan nila ng Hotel sa mga susunod na taon.” Napabuntong hiniga ako at binaba ang cellphone ko nang marinig ang sinabi ni Mama. Agad akong tumayo para buksan ang pinto at nakitang nakatayo sina Mama at Daddy sa tapat ng kwarto ko. “Ma, Dad? Saan ang punta niyo? Don’t tell me na aalis kayo na hindi niyo ako kasama?” Kunot-noong tanong ko. Nagtinginan silang dalawa at saka ngumiti. “May date kami ng Mama mo. At ikaw?” Tinanggal ni Daddy ang braso niyang naka-akbay kay Mama at saka h

