“Oh? Bakit ganiyan ang mukha mo? Kanina lang ang saya saya mo?” Bungad sa akin ni mama pagbalik ko sa Unit namin. Ngumiwi ako. “Eh kasi Ma, ‘yung lalaking nakasalubong ko kanina hindi man lang ako tinulungan nu’ng natumba ako. Eh siya naman ang may kasalanan.” Padabog akong umupo sa couch sa sobrang irita ko dahil sa kaniya. “Naku! Ikain mo na lang ‘yan. Tara na sa baba at kakain na tayo.” Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating si Daddy. “Oh? Akala ko ba bababa na tayo?” Nagtatakang tanong ni Mama. “Tumawag ‘yung kumpare ko. We’ll have dinner with them. Magbihis na kayo, mamaya pa naman pero be ready na lang,” sabi pa ni Daddy. Tumango lang ako at nagpaalam na pupunta sa kwarto ko. Tamad na tamad akong nagtanggal ng damit sa maleta at nilagay sa hanger at isinabit sa

