Naka balik na kami sa Manila at hindi na ako nag aksaya ng oras para magkulong sa kwarto. Alam ko naman na kapag pinatagal ko pa ‘to, ako rin naman ang mahihirapan sa bandang huli. Ako rin naman ang magdudusa. “Oh, Kelly? Kamusta? Hindi kita nakikita madalas simula nang umuwi ka galing sa Cebu. Okay ka lang ba?” nagtatakang tanong ni Mama sa akin. Paalis na sana ako ng school at nagmamadali na ako dahil baka mamaya ay maabutan pa niya ako rito pero hindi nga ako nagkamali. “Ma, okay lang po ako. Pasensya na po at medyo busy na sa school. Midterms na po kasi namin at madami po akong kailangan habulin. Pasensya na po ma,” sagot ko saka yumuko. Agad naman akong nilapitan ni Mama at saka hinawakan sa balikat. “Sigurado ka? Kapag may problema ka magsabi ka lang, nandito lang kami ng Da

