Hindi ko alam kung lungkot o inis tong nararamdaman ko dahil sa mga pinag gagawa ni Kaii kanina. Mabuti na lang at naawat ko siya sa mga kalokohan niya. Inis na inis pa naman ako sa pang bbwisit niya. Lahat na lang para sa kaniya biro. Ni-hindi man lang niya naisip kung bakit ako nagkaganito. Inaamin ko naman na kasalanan ko din kung bakit hindi ko sinabi sa kaniya ang tungkol sa amin ni Kevin. Pero sana naman alam niyang kailangan ko siya pero ni paramdam sa text at tawag wala. Nirolyo ko ang sarili ko sa kama dahil naiinis pa rin ako. Tapos bigla ko na naman maalala ang ginawa sa akin ni Kevin na panloloko. Tumulo na naman ang luha ko. Kapag ako na lang talaga ang mag isa tuwing uuwi ako sa bahay at hihiga ako sa kama ko, mauulit na naman ang lungkot. Walang katapusan at wala n

