I wasn't myself for a while. I was preoccupied with my thoughts at the moment that I couldn’t focus on what I really wanted to do in my life. Kinuha ko ‘yung maliit na bracelet na ibibigay ko kay Kianna kapag nag kita na kami. Wala man lang akong maalala o litrato na pwedeng tignan. Miss na miss ko na siya. Gusto kong itanong sa sarili ko kung tama ba na pumayag akong ilayo nila ako sa anak ko. Kung ako lang ang masusunod, hindi ako lalayo sa anak ko. Hindi naman talaga ako sang ayon. Wala lang akong nagawa dahil pagkagising ko, wala na ang anak ko sa tabi ko. Sinabi na lang ni mama na nilayo nila sa akin si Kianna dahil iyon ang makakabuti para sa akin. Sinunod ko naman sila Mama alang alang sa kapakanan ng baby ko. Suicidal ako noon at ayaw nilang pati ang anak ko ay madamay pa. We

