Halos gumulo ang mundo ko nang makitang hindi na humihinga si Kaii. Nabitawan ko ang basong hawak ko at nagmadaling pumunta sa kaniya. Nanlalambot ang mga buto ko sa tuhod at nanginginig akong nakikita si Kaii sa harap ko na hindi na humihinga. Tuluyan na niya kaming iniwan. Tuluyan na niya kaming sinukuan dahil sa mga nakaraan. “Kaii, nandito na ‘yung tubig mo gumising ka na!” umiiyak na tawag ko sa kaniya. Sana panaginip na lang ang lahat ng ‘to para hindi ako mahirapan na tanggapin ang katotohanan. Sana panaginip na lang to para madali na lang gumising. “D-daddy?” tawag ni Enzo sa kaniya habang umiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mas doble ang sakit na raramdaman ko dahil nakikita kong nasasaktan si Enzo. Nahihirapan akong makita siyang umiiyak dahil wala na ang Daddy niya.

