Hindi muna namin sinama si Enzo sa loob ng condo dahil baka hindi niya kayanin ang mga mangyayari. Kahit ako rin naman ay baka hindi ko kayanin ang mga mangyayari. Alam kong mahihirapan akong tanggapin ang lahat ng ‘to. Pero gusto ko lang malaman ni Kaii na kahit dito man lang maipakita kong mahal ko siya. Hindi naman nagbago ‘yun pero mas timbang lang ang pagmamahal ko kay Migo. Kaya kahit nasasaktan ako, hindi ako aalis dito hanggang hindi ko nakakausap ng maayos si Kaii. Naka alalay sa akin si Migo habang naglakakad at nang makapasok kami sa loob at agad kong nakita si Kaii ay hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya, o ano. Halos himatayin ako sa nakita ko. Mas lalong pumayat si Kaii at halos naglalagas na lahat ng buhok niya sa ulo. Hindi ito ang ina

