“Sorry Kelly. Kailangan ko na umuwi. Hindi na kita mahihintay,” malungkot na paalam niya habang hirap na hirap sa bitbit niyang mga libro. Nginitian ko siya. “Ano ka ba! Parang hindi ka pa sanay na umuwi mag-isa!” Natatawang sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa waiting shed para mag-abang nag masasakyan niya. “Oo na! Ipapamukha mo pa eh! Sige na mauuna na ako!” paalam niya saka nagbeso sa akin. Tumango ako at nginitian siya saka kumaway. “Ang tagal mo naman sa loob. Gabi na oh!” Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses niya. Napalingon ako sa likod ko kung saan siya nakatayo, habang nakasandal ang likod sa pader. “K-Kevin, akala ko umuwi ka na?” nagtatakang tanong ko saka lumapit sa kaniya. “May-usapan tayo ‘di ba? Nakalimutan mo na ba agad?” tanon

