Pinirangan pa ako ni Kevin kaya mas lalo akong kinakabahan. "Hoy Kevin! Tigilan mo ako diyan sa surprise mo! Kinikilig ako! kapag ako talaga na-fall sasabunutan talaga ako ni Yves." Humalakhak ako habang inaalalayan niya ako. Ewan ko ba dito. Natatawa na lang ako pero deep inside kinikilig ako. I have never been surprised in my life. I mean, lagi na lang ako ‘yung nagbibigay ng letter. Palagi na lang ako ‘yung nag-eefort noon kay Kaii. Pero ngayon? After years of treating other people, how do I value them? Parang ngayon lang ako nakaramdam ng kapalit. “Ingat, baka mahulog ka.” paalala niya dahil marahan niya akong inalalayan sa pag-akyat sa hagdan. Hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon dahil sa mga ginagawa niya. Pero isa lang ang alam ko. Nag-uum

