“Sobrang lamig ng kamay mo, Kelly!” Nanginginig ang kamay ko sa totoo lang. Hindi ko alam kung paano pakalmahin ang sarili dahil nandiyan na ang mga guests. “Kinakabahan ako, Amy. Paano kung wala silang magustuhan?” Agad naman hinawakan ni Amy ang kamay ko at saka nginitian ako. “‘Wag ka nang mag-aalala dahil kami na mismo nagsasabi sa maganda nga ‘yung kinalabasan. At isa pa, magustuhan man o hindi? We got you. Sama sama tayo dito kaya ‘wag ka na mag-alala.” Marahan akong tumango kahit na nag-aalangan ako. Na-aaninag ko na ang mga guests na papalapit sa stall namin. ‘Yung kabog ng dibdib ko sobrang bilis na akala mo’y may paligsahan. “Sige na Kelly. Simulan mo na. Aayusin na namin ‘yung snacks for them.” Tumango at saka humugot ng lakas ng loob. “Does anyone here know their

