“Ikaw na namang babae ka? Hindi ba sabi ko naman sayo na nasa maayos naman na kalagayan si Tongtong? Bakit ba ang kulit mo?” nanlalaking mga mata ng manager na si Ada ng lapitan at tanungin na naman ni Vekvek tungkol kay Tongtong. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa sila nagkikita ng kinakasamang lalaki. At ang sabi sa kanya ay nakakulong pa rin ito dahil utos ng kanilang boss na si Dimitri. “Pasensya na po, Ma’am. Baka pwede ko po siyang makita kahit saglit lang. Pakiusap po,” pakiusap ni Vekvek lalo pa at ilang araw ng hindi sila nagkikita at nagkakausap ni Tongtong. Sanay na si Vekvek na kasama ang lalaki sa pagbukas at pagsara ng kanyang mga mata. “Maayos ang kalagayan niya pero hindi mo siya pwedeng puntahan kahit silipin dahil nga baka makita ka sa cctv camera ng boss natin at pati

