“Tong!” bumuhos agad ang iyak ni Vekvek ng makitang ang nagbukas ng pinto ng maliit nas silid ay si Tongtong pala. “Kamust ka? Pinakain ka ba nila? Pinainom ng tubig? Ginamot ba nila ang mga sugat mo?” mga natatarantang tanong ni Vekvek habang tinitingnan kung may sugat pa ba na iniinda si Tongtong. “Okay na ako, Vek. Pinakain naman nila ako at pinainom ng tubig at gamot. Ikaw ang kamusta?” ang siyang sagot ni Tongtong at saka tumitig sa mukha ng babaeng kinakasama. Sa halip na magsalita ay tumitig din si Vekvek sa mukha ni Tongtong at saka siya napaiyak sa sobrang awa sa kanilang mga sarili. “Okay lang ako, Tong. Alam mong ayos lang ako lalo na kapag alam kong ayos ka lang din,” at saka niyakap ni Vekvek ang lalaki sa kanyang harap. “Natakot ako baka hindi na tayo magkita, Tong. Bak

