Madaling araw ng nakarating ulit ng casa si Vekvek. Hinatid lang talaga siya ng manager na si Ada pagkatapos ay iniwan na sa condo at pinahintay na lang sa isang driver na siyang mag uuwi sa kanya sa casa. “Tong, mabuti naman at nariyan ka na pala. Anong oras ka dumating?” tanong ni Vekvek kay Tongtong ng maabutan niyang nasa loob na ng kanilang silid at nakaupo lamang sa isang tabi. Ngunit tila walang narinig ang lalaki at nakatulala lamang. “Tong, natulog ka na ba? Bakit hindi ka matulog? Madaling araw pa lang ha,” patuloy na pagkausap ni Vekvek sa kinakasama ngunit nanatili lamang itong nakatulala. Nilapitan ni Vekvek ang lalaking kinakasama at saka niyugyog ang katawan nito. “Ano ba!” sigaw ni Tongtong at saka tulak sa katawan ni Vekvek na tumalsik dahil sa lakas ng pagkakatulak

