Kahit anong pakiusap ni Vekvek para maipagamot si Tongtong ay hindi talaga pumayag si Ada dahil nga baka mapahamak pa lalo si Tongtong sa oras na malaman ng iba na nawawala ito sa sariling katinuan dahil nasosobrahan na sa paggamit ng droga. Ang tanging dapat lang gawin ni Tongtong ay magpahinga muna at iwasan na muna ang uminom ng kahit anong drugs. Sa gabi ay napipilitan si Vekvek na ipadlocked sa labas ang pinto para hindi makalabas si Tongtong dahil baka mamaya ay bigla itong mawala sa sarili at magwala. Nakakatakot na baka barilin na lang ito ng mga tauhan ni Boss Dimitri kapag lumikha ng kaguluhan. Binubusog na lang lagi ni Vekvek si Tongtong para hindi makaramdam ng gutom. “Tong, ako na naman ulit ang magtatrabaho sa casa, ha. Huwag ka na munang lalabas at magpahinga ka na muna

